-- Advertisements --
Nakatakdang bumaba ang pamasahe sa eroplano sa susunod na buwan.
Ayon sa Civil Aeronautics Board (CAB) na nagkaroon ng pagbaba sa singil sa fuel surchage para sa mga domestic flights.
Sinabi ni CAB Executive Director Carmelo Arcilla, na epektibo sa Hunyo 1 ay maglalaro mula P117 hanggang P342 ang fuel surcharge.
Sa kasalukuyan kasi ay nasa P151 hanggang P542 na fuel surcharge ang ipinapataw sa ilalim ng level 5 category.










