-- Advertisements --
DFA1

Tutulungan ng gobyerno ng Pilipinas ang mga Pilipinong biktima ng fraud at illegal recruitment sa Italy na magdemanda..

Ayon kay Consul General Elmer Cato, nasa 33 biktima ang nawalan ng P39 million sa dalawang aency na nakabase sa Milan na nangako sa kanila ng trabaho sa Italy.

Kung kayat ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo Jose de Vega magbibigay ang DFA at Department of Migrant Workers ng mga abogado para asistihan ang mga biktima.

Kasalukuyang kinakapanayam na rin ng Konsulada ng Pilipinas ang mga complainants at mga testigo at kumakalap ng supporting documents at iba pang mga ebidensiya. Nag-isyu na rin ng advisories ang konsulada.

Iniimbestigahan na rin ng konsulada ang iba pang mga indibidwal at ahensiya sa Milan na maaaring nanloloko ng mga Pilipino sa mga transaksiyon may kinalaman sa work permit, air tickets at citizenship applications.