Hinikayat ni Senator Grace Poe ang pamahalaan na i-expedite pa ang pamamahagi ng fuel subsidies para sa mga drivers at operators ng public utility vehicles (PUV) sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Sinabi ni Poe, ang chairperson of the Senate committee on public services na dapat walang sayaging oras sa pamamahagi ng fuel subsidy para sa mga PUV drivers at operators dahil sa kinakaharap ng mga ito na lingguhang umento ng mga presyo ng fuel.
Kasama na rin ang mga tricycle dirvers na agarang maibigay sa kanila ang assistance.
Kailangan din aniya na matugunan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang lahat ng balakid sa pamamahagi ng subsidiya upangmatulungan ang mga kwalipikadong benepisyaro ng walang pagkaantala.
Hindi dapat na pagaanatayin ng matagal ang ating mga kabbayan para makatanggap ng naturang ayuda na higit nilang kailangan ngayon.
Umaasa naman ang Senador na masmarami pang mga PUv drivers ang mahire ngayong pinayagan na ng Comelec ang exemption ng election spending ban ng Service Contracting Program upang mabigyan ng libreng sakay ang mga mananakay sa mag apritkular na mga ruta.