
Ilang mga hakbang ang ginagawa na ng Department of Trade and Industry o DTI para makasabay ang mga maliliit na negosyante sa modernong takbo ng pagnenegosyo.
Sinabi ni DTI Assistant secretary Glenn Penaranda na mayroon silang dine-develop na concierge of services na maaari aniyang i-tap ng mga MSME’s upang mapabilang sa mundo ng e- commerce.
Maari sabi ni Penaranda na lumapit sa kanilang tanggapan sa iba’t-ibang lugar sa bansa para matulungan magkaroon sila ng digital assets, website, pictures at ng sa gayon ay mapabilang sa online marketplaces.
Kasama din ani Penaranda sa kanilang ginagawang priority project ay ang Digital marketplace kasama ang DICT.
Sa ngayon sabi ng DTI official ay ini-ipon na nila ang impormasyon mula sa iba’t-ibang mga kumpanya na maaaring ilagay sa digital marketplace at mula dito ay magkakaroon sila ng impormasyon tungkol sa financial transaction na magiging basehan aniya nila sa pagbibigay ng financial support sa mga Micro Small and Medium Enterprise.










