-- Advertisements --

Wala pa ring nilalabas na opisyal na pahayag o komunikasyon ang Malakanyang kung tinanggap na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr ang ginawang pagbibitiw ni Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian.

Ayon kay Press Secretary Atty. Trixie Cruz- Angeles, ang tanging nasa kanya pa lamang ay ang liham ng pagbibitiw ni Sebastian.

Sa resignation letter ay may pag-amin ng pagkakamali ang opisyal ng DA gaya ng ginawang pagko- convene nito sa Board at pag- iisyu ng Resolusyon na pawang lahat aniya’y hindi otorisado ng Pangulong Marcos Jr.

Sa kabilang dako ay wala pang development ani Angeles sa iba pang opisyal na dawit sa kontrobersiya partikular sa estado ng kanilang hinahawakang puwesto.

No further orders sabi ng kalihim patungkol sa status ng iba pang subject ng pagsisiyasat habang umuusad pa din ang imbestigasyon.
Isa din sa subject ng investigation si SRA Administrator Hermenegildo Serafica.