Tahasang nanawagan ang Malakanyang sa mga detraktor at “basher” ng administrasyon, kabilang sina dating Spokesperson Harry Roque at Vice President Sara Duterte, na itigil na ang pamumulitika at paninira sa gobyerno.
Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na hindi napapanahon ang mga negatibong puna na naglalayong sirain ang imahe ng pamahalaan sa gitna ng mga kinakaharap na krisis ng bansa.
Hinimok ni Castro ang mga ito na makipagtulungan na lamang para sa ikabubuti ng bawat Pilipino.
Giit ni Casto, kung wala silang masasabing maganda at kung hindi paninira lamang, tumigil muna sila or tumigil na sila permanently.
Dagdag pa ng opisyal, ngayong panahon ng Mahal na Araw, dapat ding ipagdasal ang lahat ng “makasalanan” sa mundo upang magkaroon ng pagkakaisa sa halip na pansariling interes ang manaig.










