-- Advertisements --
Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay at pagdarasal sa pagpanaw ng kilalang beteranong broadcaster na si Mike Enriquez.
Pumanaw si Enriquez nitong Miyerkules sa edad na 71.
Sa kani-kanilang mga social media account ay ibinahagi ng ilang mga lokal journalist ang kanilang pakikiramay sa namayapang si Enriquez.
Ang beteranong broadkaster ay nagtapos ng Liberal Arts in Commerce sa De La Salle University-Manila noong 1973.
Matapos ang ilang taon ay pumasok siya sa broadcast industry.
Ikinasal ito sa asawang si Lizabeth “Baby” Yumping sa loob ng 45 taon at hindi sila nabiyayaan ng anak.