-- Advertisements --

(Update) Patuloy ang pagbuhos ng pakikiramay sa pagpanaw ng beteranang actress na si Cherie Gil sa edad na 59-anyos.

Ayon sa pamangkin nitong si Sid Lucero, binawian ng buhay ang actress dahil sa cancer of the reproductive system habang ito ay nasa New York City nitong Agosto 5.

Sa kani-kanilang mga social media post ay inalala ng mga artista ang mga masasayang araw ng beteranang actress.

Nagsimula ang career nito noong dekada 70.

-- Advertisement --

Mula ito sa pamliya ng mga artista kung saan ang magulang nito ay sina Rosemarie Gil at Eddie Mesa at maging ang kapatid nito na artista rin na si Michael de Mesa at Mark Gil na pumanaw noong 2014.

Nasa showbiz rin ang mga pamangkin nito na sina Ryan Eigenmann, Gabby Eigenmann, Andi Eigenmann, at Max Eigenmann.

May dalawa itong anak na sina Raphael at Bianca mula sa dating asawa na si Rony Rogoff.

Unang pelikula niya ay ang “Beerhouse” noong 1977 at nakilala sa pelikulang “Problem Child” noong 1980 at maraming iba pa.

Tumatak sa marami ang pagiging kontrabida sa pelikula ng actress at maging sa mga TV shows.