ROXAS CITY – Inireklamo sa Roxas City PNP ng empleyado ng sports, recreation, business affairs office ang ginawang malaking painting ng larawan ni Senator Manny Pacquiao sa pader ng likurang bahagi ng Villareal stadium sa Roxas City.

Ayon sa empleyado ng nasabing tanggapan na hindi nagpabanggit ng pangalan na walang kaukulang permiso galing sa office ni Mrs. Carmen “Baby” Andrade ang naturang painting ng larawan ni Pacquiao.

Batay sa nakasaki na tatlong mga lalaki na hindi niya kilala ang nakita nito na nagpinta ng larawan ng peoples champion noong araw ng Miyerkules.

Samantala kaagad na kumalat ang espekulasyon na may kinalaman sa pulitika ang naging aksiyon ni Andrade dahil inindorso ni Pacquiao ang kandidatura ni Governor elect Esteban Evan Nonoy Contreras ng nakalipas na eleksyon na kilalang mahigpit na kalaban sa gobernatorial position ni outgoing Governor Antonio del Rosario na kapatid ni Mrs. Andrade.