-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Hindi kumbinsido si Bombo International Correspondent Pastor Noel Domingo sa naging pahayag ng Department of Foreign Affairs na walang Pinoy na nadamay sa sunog na nangyari sa Maui, Hawaii.

Sinabi nito na mahigit sa 100 ang missing habang dumarami pa ang bilang ng mga nasawi matapos binalikan ang kanilang bahay at doon na-trap sa apoy.

Sa exclussive interview ng Bombo Radyo sinabi ni Pastor Domingo na makikita ang usok sa Maui mula sa kanyang tirahan sa Oahu, Hawaii.

Nasa Maui umano nakatira ang maraming Cebuano speaking Pinoy na naghahanap buhay.

Nagsimula umanong lumaki ang sunog dahil sa malakas na ihip ng hangin hanggang lumiyab ang paligid at naging bushfire.

Dahil sa lakas ng apoy hindi ito nakayanan na apulahin ng mga bombero kayat marami ang namatay.

Marami din sa mga residente ang pumunta sa dagat subalit sa tindi ng apoy ay doon sila na-suffocate.

Nasa Maui umano makikita ang mga historical building na itinayo noon pang 1800.

Hindi pa man pinahintulotan na mapasok ang Lahaina na matinding naapektuhan ng wildfire subalit nakalikom na sila ng pagkain, damit at pera para ibigay sa mga Pinoy na biktima ng sunog.

Pagsasalarawan pa ni Pastor Domingo na ang Maui ang may area na mas malaki pa sa Davao Region.

Nalaman na tatlong lugar sa Maui ang apektado ng sunog.