Binawi na ng Jinan University ng China ang kontrobersyal na pag-aaral na nagsasabing bahagi umano ng teritoryo ng China ang Batanes Islands matapos itong umani ng matinding batikos mula sa mga opisyal ng Pilipinas.
Sinasabing inalis ng unibersidad ang artikulo mula sa kanilang website nang walang paliwanag.
Naniniwala ang SeaLight, isang maritime monitoring group, na ang pag-aaral ay ginamit upang bigyang-katwiran ang mga sovereignty patrols ng China sa silangan ng Batanes.
Gayunman, patuloy pa ring nakapaskil ang artikulo sa ilang state-linked platforms ng China.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs na hindi dapat bigyang bigat ang mga pahayag ng mga akademiko at nananatiling nakatuon ang pamahalaan sa 2016 Arbitral Award.
Ang insidente ay muling nagbigay-diin sa patuloy na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China kaugnay ng mga isyu sa West Philippine Sea.
















