-- Advertisements --
vp sara duterte

Iminungkahi ng envoy ng Spain ang pagpapalakas pa ng koordinasyon sa pagitan ng Espanya at Pilipinas sa larangan ng edukasyon partikular sa pagtuturo ng kultura at wikang Kastila sa mga paaralan sa Pilipinas.

Ito ay kasabay ng courtesy call ni Spanish Ambassador to the Philippines Miguel Utray Delgado kay Vice President at Education Secretary Sara Duterte

Ang wikang Kastila ay dating mandatoryong asignatura sa mga paaralan sa Pilipinas na napasailalim noon sa kolonya ng Espanya. Subalit sa kasalukuyan ay itinuturo na lamang ito bilang isa sa foreign languages sa ilalim ng Department of Education’s (DepEd) Special Program in Foreign Language (SPFL) sa mga pampublikong paaralan sa sekondarya sa buong bansa.

Si Spanish Ambassador ang ika-limang envoy na bumisita sa ikalawang Pangulo ng bansa kahapon pagkatapos ng ambassadors mula sa Denmark, Norway, Hungary, at Russia.