-- Advertisements --

Magpapadala ng liham si Muntinlupa City Rep. Ruffy Biazon kay Justice Sec. Menardo Guevarra kaugnay sa pader na itinayo ng Bureau of Corrections (BuCor) sa Insular Prison Road sa lungsod.

Iginiit ni Biazon na iligal ang pagtayo ng pader ng BuCor sa isa sa mga kalsada sa New Bilibid Prision Reservation na dinadaanan ng mga residente sa Southville 3 mula at papunta sa Barangay Poblacion proper at Muntinlupa City proper.

Nauna nang sinabi ng BuCor na itinayo nila ang naturang pader dahil sa security reasons, at ang kalsada kung saan ito itinayo ay magiging accessible lamang sa mga tauhan nila at ng iba pang ahensya ng pamahalaan na mayroong official business sa NBP Reservation.

Pero ayon kay Biazon, iligal ito lalo pa at walang koordinasyon na nangyari sa pamahalaan lungsod ng Muntinlupa, gayundin sa barangay, bago pa man ipinatupad ang kautusan sa pagtatayo ng naturang pader.