Target ng pamunuan ng Department of Education na magtayo ng higit 105,000 classrooms sa bansa sa pamamagitan ng public-private partnership .
Ginawa ni Education Secretary Sonny Angara kasabay ng pagsisimula ng pasukan ngayong araw sa bansa.
Sa isang panayam ay sinabi ni Angara na malaking hamon sa kanila ang matagal nang infrastructure gap sa mga pampublikong paaralan sa bansa.
Dahil dito ay itinutulak ng kanyang pamumuno ang public-private partnership na nagkakahalaga ng bilyong-bilyong piso para matugunan ang krisis na ito.
Ang halagang ito ay uutangin ng Pilipinas at sa loob ng sampung taon ay uunti-untiing bayaran ng gobyerno.
Naniniwala ang kalihim na napapanahon na itong gawin upang hindi mapag-iwanan ang sektor ng edukasyon ng Pilipinas.
Batay sa datos ng ahensya, aabot pa rin sa 165,000 na mga silid-aralan ang classroom backlog sa buong bansa na kailangan ng agarang tugon.