-- Advertisements --
Mayroong nakalaan na P240 milyon pondo ang gobyerno para sa pagtatayo ng dagdag na cold storage facilities para matulungan ang mga magsasaka ng sibuyas.
Sinabi ni Bureau of Plant Industry OIC Dir. Gerald Glenn Panganiban na target nilang ipatayo ang nasabing mga dagdag na cold storage ngayong taon.
Prioridad nilang lalagyan ay ang region 1, 2,3 at 4-B.
Dalawa sa mga dito ay nagkakahalaga ng P20-M habang ang lima ay nagkakahalaga ng P40-M na kayag magkarga ng hanggang 120,000 bags o hanggang 3,240 metric tons ng sibuyas.
Ang cold storage aniya ang nakitang solusyon ng Department of Agriculture para mapatagal ang “shelf life” ng mga sibuyas na inaani ng mga magsasaka.










