-- Advertisements --

Tinataya ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na aabot 3.1 hanggang 3.9 porsyento ang inflation sa Marso 2026.

Umigting ang inflation risks dahil sa malakihang pagtaas ng lokal na presyo ng produktong petrolyo, mas mataas na presyo ng bigas, mas mataas na singil sa kuryente sa mga lugar na sineserbisyuhan ng Meralco, at paghina ng piso.

Maaaring makatulong ang inaasahang pagbaba ng presyo ng gulay, isda, at karne upang maibsan ang inflation, ngunit kailangan pa ring bantayan ang mga pressure na maaaring magpataas sa inflation.

Mananatiling mapagmatyag ang BSP at gagabayan ng paparating na datos, lalo na sa inflation at paglago ng ekonomiya.

Patuloy din nitong susubaybayan ang mga kaganapan sa Middle East at ang posibleng epekto nito sa inflation at aktibidad pang-ekonomiya.