Suportado ni National Economic And Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan ang pagtatalaga ng permanenteng kalihim ng Agriculture department para matugunana ang ilang dekada ng isyu sa industriya.
Sa kasalukuyan, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang namumuno sa DA na una na ring sinabi na hindi ito magtatalaga ng kalihim hangga’t hindi pa natatapos ang mabibigat na suliranin na bumabalot sa ahensiya.
Nang tanungin naman ang NEDA chief kung ito ay interesado sa posisyon na isa ring eksperto pagdating sa agricultural economy, tugin ng opisyal na marami aniyang mga isyu at problema ang sektor partikular sa isyu ng pamumuhunan, isyu ng pamamahala at institusyonal na isyu kayat ang Pangulo ang nasa posisyon para tugunan ang ilan sa mga nasabing isyu.
Kabilang pa sa mga isyu na kinakaharap sa sektor ng agrikultura ang produksiyon, tumataas na inflation sa nakalipas na mga buwan.










