-- Advertisements --
Umani ng pagbati ang beteranong aktor na si Tirso Cruz III, matapos maitalagang bagong chairman at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Batay sa appointment paper na inilabas ng Malacanang, napili si Cruz dahil sa mga karanasan at kakayahan nitong pamunuan ang naturang tanggapan.
Aminado naman ang ilang malalapit kay outgoing Chairperson Liza Diño na malungkot sila pero tanggap naman na si Cruz ang susunod na mamumuno sa ahensya.
Inakala kasi ng ilang tauhan na mananatili si Dino dahil na-reappoint pa ito ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, bago ito bumaba sa kaniyang termino.