-- Advertisements --
cropped Senate hearing bilibid Bucor faeldon 7

Upang mabawasan ang mga epekto ng malalakas na bagyo at maprotektahan ang mga nakatira sa baybayin sa bansa, isinusulong ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang pagtatatag ng mga national coastal greenbelt zone at ang institusyonalisasyon ng coastal greenbelt management action plan.

Ito ay sa ilalim ng kanyang Senate Bill No. 1117, o ang National Coastal Greenbelt Act of 2022.

Paliwanag ni Legarda, ang mga mangrove forest, beach forest, at seagrass bed ay nagsisilbing natural defense laban sa strong typhoons, coastal erosion, at storm surge.

Sa kabila ng kanilang mahalagang papel sa climate change mitigation at adaptation and disaster risk reduction, ang mga coastal greenbelts sa bansa ay patuloy na nasa panganib.

Binigyang-diin ng Senadora ang pangangailangang pangalagaan ang 822 coastal communities ng bansa at pagkakaroon ng komprehensibong plano sa pamamahala ng yamang tubig.

Ikinalungkot ni Legarda na sa kasalukuyan, napipilitan ang pamahalaan na ipatupad ang pagbabalik ng mga inabandona, hindi nagamit, at undeveloped na mga palaisdaan dahil sa kakulangan ng pagbabahagi ng datos at sistematikong pagtutulungan ng mga kinauukulang ahensya ng ating bansa.