-- Advertisements --

Aminado ang Department of Health na hindi na nababahala ito sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng Pertussis sa bansa.

Ito ang inihayag ng kagawaran matapos na lumagpas na sa isang libo ang bilang ng mga kaso ng naturang sakit ang naitatala nito mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, bagama’t nakakabahala ay hindi na aniya pa nakakagulat pa ang ganitong mga development sa mga kaso ng Pertussis.

Aniya, sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang kanilang mas pagpapaigting pa ng bakunahan laban sa nasabing sakit.

Samantala, inaasahan aniya na sa paglipas ng apat hanggang na linggo pa bago makita ang pagbagsak ng mga kaso ng naturang karamdaman bagay na kasalukuyan nang binabantayan ngayon ng kagawaran.