-- Advertisements --

Tinapos na ng New York ang paggamit ng face mask sa mga pampublikong sasakyan.

Ayon kay New York Governor Kathy Hochul, na base sa guidelines mula sa US Centers for Disease Control and Prevention na magiging optional lamang ang paggamit ng face mask.

Hindi na rin aniya magiging requirement ang pagsuot ng face mask sa mga paliparan at mga ride-share vehicles.

Magugunitang noong Abril 2020 nang ipatupad ang mandatory na pagsuot ng face mask dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.