-- Advertisements --
Labis na ikinatuwa ng Philippine Travel Agency Association o PTAA ang naging hakbang ng Marcos Jr. Administration sa pagsuporta nito sa sektor ng turismo.
Sinabi ni Philippine Travel Agency Association member Bing Sadol na napakalaki ng kanilang pasasalamat sa kasalukuyang administrasyon at sa Department of Tourism (DoT) sa nagiging resulta ng muling pagbangon ng sektor ng turismo sa bansa.
Isa na dito aniya ang kasalukuyang working visit ng Pangulo sa Tokyo, Japan na isa sa pangunahing agenda nitong muling hikayatin ang naturang bansa na tumungo sa Pilipinas upang puntahan ang mga ipinagmamalaking tourism sites sa bansa.