Malaking tulong sa travel at tourism activities sa bansa sa harap ng COVID-19 pandemic ang desisyon ng pamahalaan na ilagay ang 39 na lugar sa bansa sa ilalim ng Alert Level 1 simula Marso 1, 2022.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, welcome para sa kanila ang development na ito gayong nagpapakita ito na nasa unti-unti na ring makaka-recover ang bansa sa epekto ng halos dalawang taon nang pandema.
Sinabi ng kalihim na mas madali at convenient na sa pagbiyahe sa iba’t ibang lugar sa ilalim ng Alert Level 1 status, tulad ng sa Baguio, Boracay, Ilocos region, Aurora, Batanes, Laguna, Puerto Princesa City, Guimaras, Camiguin, at Davao City.
Kaya naman inaasahan din nila na magiging mabubuhay din ang maraming mga tourism jobs at opportunities na nawali dahil sa pandemic.
Bagama’t hindi na required ang health declaration forms, ang mga edad 18 pataas ay obligado namang magpakita nang patunay na sila ay vully vaccinated na bago pahintulutan na makapasok sa isang establisiyemento at venues tulad ng mga tourist attractions.