-- Advertisements --

Kasabay ng pagkilala sa katotohanan na maaring tumama ang mga sakuna anumang oras, ikinokonsidera ngayon ng Office of the Civil Defense (OCD) ang pagsasagawa ng earthquake drill sa gabi para mapaigtong ang kahandaan ng publiko.

Ayon kay OCD Adminsitrator Ariel Nepomuceno, maaaring ipractice din ang naturang inisyatibo sa mga susunod na earthquake drills na pinangungunahan ng OCD sa halip na tradisyunal na pagsasanay lamang tuwing office hours.

Ang OCD nga ay nagsasagawa ng quarterly National Simultaneous Earthquake Drill para palakasin ang earthquake preparedness ng iba’t ibang mga sektor.

Una rito, nitong Lunes Santo isinagawa ang First Quarter National Simultaneous Earthquake Drill sa Camp Aguinaldo sa QC.

Isinagawa dito ang isang camp-wide evacuation drill na sinundan ng communication exercises para ipakita at suriin ang coordination mechanisms ng gobyerno sakaling tumama ang pinangangambahang The Big One.

Ito ay tumutukoy sa magnitude 7.2 earthquake dahil sa paggalaw ng West Valley Fault.