CAUAYAN CTY- Naglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Regional Trial Court Branch 19 Cauayan City sa isinasagawang Annual General Membership assembly (AGMA) ng ISELCO 1.
Nilinaw ni Atty.Karen Abuan na naghain siya ng petisyon kasama si outgoing Luna Mayor Jaime Atayde sa sala ni Judge Reymundo Aumentado ng RTC Branch 29 upang pigilan ang kasalukuyang isinasagawang AGMA dahil sa hindi umano nabigyan ng proper notice ang mga member consumers dahil ito ay idinaan lamang sa social media at walang nakalagay na agenda sa ginaganap na assembly.
Dapat anyang malinaw kung ano ang pag-uusapan sa AGMA.
Nakalagay anya sa bylaws ng ISELCO 1 na kailangang 30 days notice at properly inform ang mga consumer members sa dadaluhang AGMA at kung ano ang pag-uusapan na hindi sinunod ng naturang kooperatiba.
Samantala, Binigyang diin ni Philreca Partylist Representative at Board President Preshly De Jesus ng ISELCO 1 na sumunod sila sa tamang proseso sa pagsasagawa ng AGMA ngayong araw.
Lahat anya ng kanilang mga empleyado at mga lineman ay nagsagawa ng information dessimination sa mahigit 28,000 member consumers ng ISELCO 1.
Ayon kay Board President De Jesus na bagamat nagsimula ang AGMA kaninang 8:00am na dinaluhan ng mga member consumers ay kanilang itinigil matapos maglabas ng TRO ang hukuman na kanilang natanggap pasado 11:00am .
Nagsimula anya ang kanilang AGMA 8:00am ngunit kinakailangan nilang itigil o kanselahin dahil sa inilabas na TRO ng RTC Branch 19, Cauayan City na kanilang ipinaliwanag sa mga dumalo sa AGMA pangunahin na sa mga member consumers
Ipinaliwanag ng Board President ng ISELCO 1 na nakalagay sa kanilang bylaws na sa buwan ng Mayo maisasagawa ang AGMA ngunit dahil sa nataon na eleksiyon ay ginawa nilang June 30, 2022 na hindi natuloy dahil sa ipinalabas na TRO ng hukuman.
Naniniwala si De Jesus na nasunod ang lahat ng proseso sa pagsasagawa sana nila ng AGMA ngayong araw dahil kung hindi sila nakasunod ay ang mismong NEA ang pumigil sa kanila.
Ang ipinalabas naman ng NEA na sulat ay walang nakalagay na mayroon silang nilabag bagkus nakalagay na dapat masunod ang protocols sa panahon ng pandemya.
Ang susunod anya nilang hakbang ay mag-uusap ang General Manager at Board of Directors ng ISELCO 1 upang malinawan kung bakit naglabas ng TRO ang hukuman at ang kanilang magiging sagot sa hukuman.










