-- Advertisements --
Respeto sa soberanya ng Pilipinas at maging sa International Law ang hangad ni Department of National Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. ngayong pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong taon.
Ang ang inihayag ng kalihim kasabay ng kaniyang pagpapaabot ng pagbati sa Filipino-Chinese Community sa bansa kaalinsabay ng pagdiriwang ng pagpasok ng Year of the Wooden Dragon.
Sa naturang pahayag, sinabi ni Sec. Teodoro na hangad niya na makapaghatid ng paglago, progreso, at mabuting kapalaran sa bansa ang pagpasok ng Year of the Wooden Dragon ngayong Chinese New Year.
Gayundin ang hiling na makamtan ng Pilipinas ang mga pagbabago at teknolohiya para sa pagtataguyod ng isang bansang matatag at maunlad na may paggalang sa international law.