
Hinikayat ang Kongreso na paspasan ang pagpasa ng panukalang batas sa maritime zones sa gitna ng patuloy na agresibong aksiyon ng China sa West PH Sea.
Ayon sa maritime expert na si Jay Batongbacal, ang panukalang batas na nagdedeklara sa maritime zones ng bansa ay magpupundar ng legal na basehan para sa mga aktibidad na maaaring isagawa sa nasabing mga lugar.
Suportado din ng international community ang pagpasa ng naturang panukalang batas.
Sa oras na maging batas na aniya ito, hindi na magagamit ng ibang bansa gaya ng China ang argumento na hindi pagtukoy sa boundary ng exclusive economic zon ng PH.
Sa ilalim kasi ng panukalang Philippine Maritime Zones Act o ang House Bill 7819, nakasaad ang pangkalahatang deklarasyon ng maritime zones sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Pilipjans kabilang ang internal waters, archipelagic waters, territorial sea, contiguous zone, exclusive economic zone at coninental shelf.
Matatandaan na pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ng kongreso ang naturang panukalang batas noong nakalipas na Mayo at kasalukuyang nakabinbin sa Senado.










