-- Advertisements --

Isa umanong genocide ang pagpapatuloy ng giyera ng Israel sa Gaza ayon sa isang opisyal ng Hamas. 

Ang pagpupumilit umano ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na magkaroon ng giyera sa Gaza ay isang uri ng genocide laban sa mga Palestinian. 

Dagdag pa nito, gagawin nila ang lahat para maprotektahan ang Palestinian at para matigal na ang gulong nangyayari sa Gaza.

Matatandaan na nitong Miyekules ay ibinasura ni Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu ang apela ng Hamas na ceasefire at inatasan ang mga ito na lumipat sa siyudad ng Rafah kung saan lagpas isang milyong Palestinian na ang lumikas doon.