Inihain ngayon sa Kamara ang tatlong panuklang batas na naglalayong palawigin ang termino ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) ng tatlo pang taon para bigyan ng sapat na panahon ang full transition sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inanunsyo nitong araw ni House Special Committee on Peace, Reconciliation, and Unity chair Esmael Mangudadatu ang kanyang paghahain ng iniakda niyang House Bill No. 8117, na naglalayong ipagpaliban ang kauna-unahang BARMM elections sa 2022 at sa halip ay gawin na lamang ito sa 2025.
Ayon kay Mangudadatu, nakapaghain na rin sina Deputy Speaker Loren Legarda at Majority Leader Martin Romualdez ng kaparehong panukalang batas na nagnanais na ilipat sa 2025 ang halalan sa BARMM.
Mababtid na ang BTA ang siyang tumatayong interim government ng BARMM.
Sinabi n Mangudadatu na maraming mga kongresista ang nagpahayag na rin ng kanilang pagnanais na tumayo bilang co-authors ng panukla, kabilang na si Speaker Lord Allan Velasco at Minority Leader Joseph Stephen Paduano.
Ang tatlong panukalang batas na ito ay na-refer na sa Committees on Suffrage and Electoral Reforms, sa Muslim Mindanao at sa Special Committee on Peace, Reconciliationm and Unity.
Inaasahang matatalakay ang mga panukalang batas na ito ng naturang mga komite sa Enero na ng susunod na taon.