-- Advertisements --

Kinukonsidera ngayon ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na palawigin ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año.

Posible aniyang palawigin pa nila hanggang sa katapusan ng kasalukuyang buwan ang ECQ sa National Capital Region, na nakatakdang magtapos bukas, o ibaba ang quarantine classification sa rehiyon sa ilalim ng modefied ECQ sa mga susunod na araw.

Ngayong araw ay nakatakdang magpulong ulit ang IATF para pag-usapan ang susunod na quarantine classifications sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa ngayon ay wala na anyang pondo ang pamahalaan para sa ayudang ibibigay sa mga indibidwal na maapektuhan sakaling palawigin pa ang ECQ.