Tiyak umanong malaking tulong sa mga consumers sa susunod na anim na buwan ang pagpapalawig sa nasuspinding collection ng Feed-in Tariff Allowance (FIT-All).
Sa advisory ng Energy Regulatory Commission (ERC), ang Feed-in Tariff Allowance collection ay suspendido pa rin simula sa susunod na buwan ng Marso hanggang sa Agosto 2023.
Ang direktiba ay mula sa Notice of Resolution na may petsang February 22, 2023.
Kung maalala, sinuspindi ng power industry regulator ang Feed-in Tariff Allowance collection mula Disyembre 2022 hanggang February 2023.
Sa ngayon ang umiiral na Feed-in Tariff Allowance rate ay P0.0364 kada kWh.
Dahil sa suspension ng Feed-in Tariff Allowance collection, ang typical household na komokonsumo ng 200 kWh sa isang buwan ay mayroong matitipid na P7.28 sa kanilang buwanang bayarin sa susunod na anim na buwan.
Nagbigay din ito ng direktiba sa distribution utilities (DUs), retail electricity suppliers (RES) at National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na i-report hanggang sa Marso 31, 2023 ang status ng kanilang pagpapatupad ng suspension ng collection ng Feed-in Tariff Allowance charge mula December 2022 hanggang February 2023 billing period.










