Nanawagan si Senadora Cynthia Villar na patuloy na palawakin ang coconut industry sa kabila na patuloy ang mga achievements na nakukuha nito.
Hinimok ng Senadora ang patuloy na pag monitor sa pagpapatupad ng mga batas para sa kapakanan ng coconut industry sa bansa.
Aniya, ang “The Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act” ay naglalayon para sa maayos na benepisyo at pagpapataas ng kita ng mga coconut farmers.
Iginiit ni Villar na itinatakda rin sa batas ang paghahanda sa Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) na magbibigay ng direksyon at polisiya sa pag-unlad at rehabilitasyon ng
coconut industry sa loob ng 50 taon.
Inihayag ni Villar na nahaharap pa rin ang coconut industry sa mga hamon sa kabila ng pagbulusok ng export nito.
Kaya naman hinimok ni Villar ang lahat ng stakeholders na magkaisa para harapin ang mga isyu at gumawa ng mga inisiyatibong mangangalaga sa coconut industry.