-- Advertisements --
indi itinuloy ng Supreme Court (SC) ang tinakdang paglulunsad ng inayemdahang 1997 Rules of Civil Procedure at Revised Rule on Evidence na unang itinakda sa Agosto 7.
Sa abiso ng SC-Public Information Office, ipinaliwanag nito na ang kanselasyon ay dahil sa deklarasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim ang National Capital Region (NCR) at iba pang lalawigan sa modified enhanced community quarantine (MECQ).
Sa rekord ng SC, itinakda ang media launch ng 2019 Amendments to the 1997 Rules of Civil Procedure sa Biyernes, August 7.
Ang Revised Rule on Evidence naman ay sa August 20, 2020.










