-- Advertisements --

Ibinabala ng Department of Environment and Natural Resources sa mga residente na hindi ligtas ang paglangoy sa may dagat ng Baseco sa Port area sa lungsod ng Maynila dahil sa mataas na lebel ng coliform bacteria.

Kaugnay nito, mahigpit na ipinagbabawal at minomonitor ng mga awtoridad ang lugar para maiwasan ng mga residente na lumangoy sa naturang dagat ngayong panahon ng tag-init.

May ilang mga residente din ang sinuway ng mga awtoridad mula sa paglangoy sa may Baseco beach.

Umapela naman ang mga awtoridad sa mga residente na sumunod sa mga patakaran para matiyak ang kanilang magandang kalusugan.