-- Advertisements --
Inaprubahan ng Department of Budget and Management ang pondo na nagkakahalaga ng mahigit P1 billion na pondo para sa pagbuhay ng heritage school buildings sa buong bansa.
Kabilang dito ang kailangang pondo ng Department of Education para sa restoration ng Gabaldon School Buoldings at iba pang Heritage School Buildings.
Ang Gabaldons ay itinayo noong colonial period ng Estados Unidos sa bansa.
Inihango ang pagtatayo ng mga ito sa tradisyunal na bahay kubo at bahay na bato.
Sa isasagawang restoration sa mga nasabing paaralan ay ang pagsasaayos sa school ground site leveling at grading at pagtanggal ng obstruction at hindi ligtas na struktura sa may Gabaldon building.
Sa kasalukuyan, mayroong 2,045 Gabaldon School houses sa buong bansa.