-- Advertisements --
7KQm3mLy 400x400

Naniniwala ang National Security Council (NSC) na nasa lebel ng mga lokal na pamahalaan ang talamak na bentahan ng mga birth certificate, pasaporte, at iba pang dokumento.

Maalalang una nang ibinunyag ng opisyal na nangunguna ang mga corrupt na civil registrars sa pagkalat ng mga naturang dokumento na aniya’y isang malaking banta sa pambansang seguridad.

Ayon kay NSC assistant director general Jonathan Malaya, nababayaran ang ilang mga local civil registrars para mag-isyu ng mga personal documents katulad ng birth certificates.

Bago nito, nagsagawa ang NSC ng sariling imbestigasyon ukol sa umano’y talamak na pagkalat at bentahan ng mga naturang dokumento.

Ayon kay Malaya, karamihan sa mga natukoy nilang mga dayuhang nakinabang ay mga Tsino na hindi ipinanganak dito sa bansa, at walang parental linkage dito sa Pilipinas.