Mainit na tinananggap ng buong hanay ng Pambansang Pulisya ang Pagkakatalaga kay PGen. Rommel Francisco Marbil bilang ika-30 bagong pinuno ng Philippine National Police.
Ito ay kasunod ng pormal na pagtatapos ng termino ni dating PGen. Benjamin Acorda Jr. at isinagawa ng change of command ceremony ngayong araw sa Kampo Crame na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa isang statement ay sinabi ng PNP na naniniwala ito na ang huwarang service record ni PGen. Marbil ay ang nagbibigay-diin sa kaniya ng pagkakaroon ng mataas na kwalipikasyon para pamunuan ang buong hanay ng kapulisan.
Anila, ang magiging pamumuno nito sa PNP ay walang dudang magpapatibay pa sa mandatory ng organisasyon na panatilihin ang kapayapaan, kaayuan, at seguridad sa buong bansa.
Samantala, sa panibagong yugto na ito ng Pambansang Pulisya ay nagpahayag naman ng buong suporta at kumpiyansa ang buong hanay ng kapulisan sa abilidad ni Gen. Marbil na mas magpapaigting pa ang pagseserbisyo ng PNP sa taumbayan at sa lipunan.
Kasabay nito ay nagpahayag naman ng pagbati ang PNP para sa bagong chief PNP sa kaniyang Pagkakatalaga sa naturang posisyon.
Matatandaan na bago maitalaga bilang bagong hepe ng Pambansang Pulisya ay nanungkulan muna si Gen. Marbil bilang Director of Directorate for Comptrollership, Regional Director ng Police Regional Office 8 (Eastern Visayas), Director ng PNP Highway Patrol Group, at Civil Security Group, Special Action /forces, Presidential Protection Security Group, Agusan Del Norte Police Provincial Office, at Bacoor City Police Station, habang ipinadala rin siya sa isang misyon ng United Nations sa Liberia mula noong taong 2006 hanggang 2007.