-- Advertisements --

Naniniwala si Buhay party-list Rep. Lito Atienza na sapat na dahilan ang mga criminal activities ng mga “ninja cops” kung bakit hindi dapat maibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

Sinabi ni Atienza na dahil sa iligal na gawain na ito ng mga police scalawags, nagiging mas vulnerable ang publiko sa “potential drug evidence-planting and extortion.”

Maari rin aniyang gamitin ang death penalty bilang pantakot ng mga ninja coops sa kanilang mga biktimang hinuhuthutan.

Nabatid na sa ilalim ng panukalang batas na nakahain sa Kamara, sakop ng parusang kamatayan ang krimen na may kaugnayan sa droga, plunder, kidnapping at maging rape.