-- Advertisements --

Itinutulak ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang cropping calendar sa buong bansa na layong masiguro na hindi masayang ang ano mang produktong agrikultura.

Kasunod na rin ito nang pagtatapon ng mga magsasaka ng kamatis dahil sa oversupply.

Sinabi ni Agriculture Undersecretary for Consumer and Political Affairs Kristine Evangelista, sa pamamagitan daw ng cropping calendar ay maiiwasan ang oversupply dahil alam na ng mga magsasaka kung ano ang kanilang itatanim at kung saan.

Kapag mayroon din umanong cropping calendar ay makakahanap na ang mga magsasaka ng bibili sa kanilang mga produkto bago ang anihan.

Ang panukalang ito ng DA ay kasunod na rin ng mga lumabas na balitang itinapon na lamang ang mga kamatis ng magsasaka sa Bukidnon dahil sa oversupply sa area.

Mababa rin ang presyo ng kamatis dahil wala umanong buyer sa naturang agricultural product,