-- Advertisements --
CEBU CITY – Iniimbestigahan na ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia kung bakit nahawaan ang 18 inmates ng Cebu Provincial Detention and Rehabilitation Center (CPDRC) ng COVID-19.
Ayon kay Garcia, hindi sineryoso ang kanyang utos na manatili muna sa CPDRC empleyado nito dahil sa lumalalang kaso ng coronavirus.
Isang CPDRC employee kasi aniya ang umuwi sa tirahan nito sa Brgy. Sambag II, Cebu City.
Sa ngayon, isolated na ang naturang empleyado matapos makitaan ng flu-like symptoms.
Batay sa datos ng Department of Health (DOH)-7, nasa 636 na ang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa Central Visayas, kabilang na ang daan-daang mga preso.