-- Advertisements --
PBBM8

Kampante si Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na isang great investment area ang Pilipinas para sa mga negosyanteng nais magnegosyo sa bansa.

Ito ang ibinahagi ni Pangulong Marcos sa harap ng malalaking negosyante sa Japan.

Sa talumpati ng Pangulo sa isang dinner na inorganisa ng Japanese financial Institutions, sinabi nitong nangunguna ang Pilipinas pagdating sa economic recovery at performance ang Pilipinas hindi lamang sa Asia-Pacific Region kundi pati sa buong mundo.

Kaya namana, nais daw ng Pangulong Marcos na pumasok sa partnership sa business at capacity-building projects partikular na sa area dahil ang Japan ay kilala bilang bilang global leader.

Ayon pa sa Pangulo, nais niyang makabahagi ang Pilipinas sa mga knowledge-based and technology na tiyak na makatutulong sa bansa upang maging global manufacturing hub ng wiring harnesses, office peripherals, at electronic parts and components.

Kaugnay nito’y sinabi ng Pangulo na umaasa siya sa mas marami pang kasunduan at business ventures sa Japan sa maraming larangan gaya ng food and health; digital transformation and innovation, artificial intelligence, biomaterial research and development at data centers.

Ipinagmalaki rin ng Paungulong Marcos ang kinalabasan ng mga dinaluhang pagpupulong sa bansang Japan.