Naniniwala ang Executive Director ng IBON Foundation na maaring sa second quarter pa ng Taon maramdaman ang paghupa ng inflation rate dahil sa nagkukulang na aksiyon ng pamahalaan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Executive Director Sonny Africa ng IBON Foundation na hindi umuubra ang sinasabi ng pamahalaan noong nakaraang taon na paghupa ng inflation rate sa bansa.
Para sa kanila ay dapat na tapos na ang pangako ng pamahaaan at kaagad nang tugunan ang mataas na inflation rate na nagpapataas sa presyo ng mga bilihin.
Kabag bumaba ang inflation rate ay babagal ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Naniniwala si Africa na dapat na palakihin ang produksiyon ng pagkain upang mapigilan ang pagtaas ng presyo.
Ang kailangan ngayon ng mga mamamayan ay mga murang pagkain, bilihin at murang serbisyo.
Naniniwala siya na makakatulong din na maibsan ang paghihirap ng mga mamamayan ngayon kapag maibigay na ang tulong sa mga mahihirap na hindi naibigay noong nakaraang taon.