Dumipensa si House Games and Amusement Committee chairman Erick Yap matapos batikusin ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board Member Sandra Cam ang naging takbo ng pagdinig ng komite nitong araw.
Bigo kasi si Cam na i-presenta ang mga hawak nitong ebidensya hinggil sa aniya’y malawak na katiwalin sa loob ng PCSO.
Sinabi ng kongresista na ang pagdinig ay nakatuon lamang sa organizational meeting at sa mga programa ng PCSO kaya hindi akma sa agenda ang nais na pagsisiwalat ni Cam.
Bukod dito, iginiit ni Yap na hindi nito alam na balak pala ng opisyal na isagawa ang pagbubulgar sa kanilang pagdinig ngayong araw.
Nauna nang sinabi ni Cam na ilang matataas na opisyal kabilang na ang mga retired military generals ang sangkot sa korpasyon sa loob ng government gaming agency.