-- Advertisements --

Itinakda n sa Pebrero 17 sa susunod na ang boxing match sa pagitan nina Tyson Fury at Oleksandr Usyk.

Ayon sa organizers ng laban na magaganap ang undisputed heavyweight championship fight ng dalawa sa Riyadh Saudi Arabia.

Ang Briton na si Fury ay WBC world champion habang ang Ukrainian na si Usyk ay may hawak ng WBA, WBO, IBF at IBO belt na kapwa walang talo.

Napirmahan na ang kontrata noong Setyembre na unang plano sana ay sa Disyembre 23 subalit ito ay inurong matapos ang muntikan ng pagkatalo ni Fury kay dating UFC champion Francis Ngannou sa non-title match sa Saudi Arabia noong Oktubre 23.

Huling may hawak ng heavyweight undisputed world champion ay si British boxer Lennox Lewis noong 1999.