Sinimulan na ng Kamara de Representantes ang paghahanda para sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa Hulyo 27, 2026.
Sa unang inter-agency coordination meeting, sinabi ni House Secretary General Atty. Cheloy Velicaria-Garafil na “simplicity” ang magiging tema ng SONA ngayong taon. Ayon sa kanya, wala nang red carpet at mahahabang gown, at hinihikayat ang mga dadalo na magsuot ng simple ngunit angkop na kasuotan.
Dinaluhan ng mga kinatawan mula sa Kamara, Senado, Malacañang, mga ahensyang pangseguridad, at lokal na pamahalaan ang pulong upang talakayin ang seguridad, protocol, at iba pang paghahanda para sa taunang ulat ng Pangulo sa Kongreso.
Gaganapin ang ikalimang SONA ni Pangulong Marcos sa Session Hall ng Kamara de Representantes sa Hulyo 27.















