-- Advertisements --

Nagpasalamat si Comelec commissioner Rowena Guanzon sa Malacanang matapos dumistansya sa issue na kinasasangkutan ng Duterte Youth party-list.

Sa isang panayam, ikinatuwa ni Guanzon ang hindi pakikiaalam ng palasyo sa issue kahit pa ginamit ng partido ang pangalan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kung maaalala, sinabi ni Presidential spokesperson Salvador Panelo sa isang panayam na na wala silang pakialam sa mga paratang ni dating National Youth Commission (NYC) chairman Ronald Cardema laban kay Guanzon.

Pinayuhan din nito si Cardema na kumilos na lang sa reklamo nito imbis na magpapansin sa media.