-- Advertisements --

Nakatakdang ilunsad sa susunod na taon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang sarili nitong online casino.

Sinabi ni PAGCOR Chairman and CEO Alejandro Tengco na layon ng gambling site na “CasinoFilipino.com” na kumuha ng mga virtual reality based technology.

Ang mga maglalaro aniya ay makakadama ng para na rin silang nasa physical na mga casinos.

Makakaakit aniya ito ng mga audience sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Sa kasalukuyan aniya ay inayos na rin nila ang mga slot machines at nakatakdang gumawa ng sariling IT programs at system na makakatulong sa pagsasaayos ng kanilang management systems.

Tiwala din si Tengco na mahihigitan nila ngayong taon ang kanilang target collections.