-- Advertisements --
Sinisi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang COVID-19 pandemic kaya hindi nila nakolekta ang P2.328 bilyon na buwis mula sa offshore gaming industry.
Ayon sa PAGCOR na patuloy nilang ipinapataw ang minimum guaranteed fee (MGF) sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) kahit noong kasagsagan ng lockdowns.
Mula kasi noong Marso 21, 2020 ay lahat ng mga operasyon ng POGO ay nahinto.
Karamihan aniya ng P1.512 bilyon ay mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Dahil aniya sa pandemic ay maraming mga POGO ang huminto na rin sa operasyon sa nagresulta sa pagdami ng hindi nakokolektang buwis.










