-- Advertisements --

Sinimulang na sa Senado ang debate kaugnay sa ipinapanukalang pagbuo ng Maharlika Investment Fund.

Unang bumusisi sa may-akda ng Senate Bill 2020 na si Senador Mark Villar ay si Senador Ronald Bato dela Rosa na sumentro ang pagtatanong sa pangangailangan ng pagbuo ng isang sovereign wealth fund.

Inihayaf ni Villar na layon nito na ma-maximize ang investment fund ng bansa at maibalik sa gobyerno ang mas malaking kita.

Binigyang-diin naman ni Senadora Grace Poe sa kanyang interpelasyon ang kwalipikasyon at proseso ng pagpili ng board of directors na mamamahala sa pondo.

Ayon kay Villar, ang investment fund ay pamamahalaan ng siyam na board of directors na itatalaga ng Pangulo ng Pilipinas at titiyaking may malawak na karanasan sa corporate governance and administration, investment ng financial assets, at management ng investments sa global at local markets.