-- Advertisements --

Inilatag ng Cavite City Government ang kanilang patakaran para sa mga taong nagnanais bisitahin ang kanilang mga namayapang mahal sa buhay sa sementeryo.

Ayon kay Cavite Gov. Jonvic Remulla, bubuksan ang mga sementeryo sa buong probinsya simula ngayong araw hanggang Oktubre 27 mula 9:00 a.m hanggang 7:00 p.m.

Isasara naman ang mga sementeryo pagpatak ng Oktubre 8 hanggang Nobyembre 2.

Nagbabala rin si Remulla na mahigpit na ipagbabawal ang pagkain, pag-inom ng alak at pag-vivideoke sa mga pampubliko at pampribadong sementeryo.

Maging ang pagbebenta ng pagkain at inumin sa loob ng sementeryo ay hindi rin papayagan.

Ayon sa gobernador, paplanstahin pa ng city at municipal government ng Cavite kung ilang tao lamang ang papayagan pumasok sa mga sementeryo.